TUGUEGARAO CITY- Hiniling ng Philippine Farmers Advisory Board na ibigay na lamang bilang cash incentive ang P15,000 na pautang sa mga magsasaka.

Sinabi ni Edwin Paraluman, chairman ng nasabing grupo na dagdag pasanin pa sa mga magsasaka kung gagawin pang utang ang nasabing halaga na ang layunin ang makatulong sa mga magsasaka na umaaray na sa mababang presyo ng palay.

Ayon kay Paraluman, kulang-kulang ang nasabing halaga para sa pagtatanim ng palay.

ang tinig ni Paraluman

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, sinabi ni Paraluman na ang mga magsasaka ang naisakripisyo kaugnay sa malayang importasyon na ng bigas sa ilalim ng Rice Tarrification Law.

Ayon sa kanya, maaaring naabot ng pamahalaan ang mithiin na mapababa ang presyo ng bigas sa merkado subalit ang mga magsasaka naman ang matinding apektado dahil sa binabarat na ang mga palay.

Dahil dito, sinabi ni Paraluman na dapat na magkaroon ng balanse sa usapin sa hangaring magkaroon ng mababang presyo ng bigas na hindi naisasantabi ang kapakanan ng mga magsasaka.

ang tinig ni Paraluman