Nakatulong umano ang P1m na pabuya sa mga otoridad sa pagkakaaresto sa isa sa limang akusado na kasama ni Kingdom of Jesus Christ leader Apollo Quiboloy.
Sinabi ito ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos sa pagprisinta kay Pauline Canada sa publiko sa press conference ng Philippine National Police,
Ayon kay Abalos, isang anonymous caller ang nagbigay ng impormasyon sa Davao City police office sa kinaroroonan ni Canada noong July 9.
Sinabi ni Abalos na tumawag sa hotline ng Regional Investigation and Detective Management Division ng Region 11 para i-report na nakita niya ang isang babae na kamukha ng nasa litrato ng wanted poster na nilabas ng PNP na may pabuya na P1m.
Naaresto si Canada sa isang subdivision sa Davao City kahapon ng hapon.
Nitong Lunes, inihayag ni Abalos ang P10m na reward sa makakapagbigay ng impormasyon sa kinaroroonan ni Quiboloy.
Bukod kay Canada, ang iba pang akusado ay sina Cresente Canada, Ingrid Canada, Sylvia CemaƱes at Jackielyn Roy.
Una rito, nagpiyansa sa kasong child abuse na isinampa sa korte sa Davao City si Canada at apat na iba pang akusado.