Sinimulan na ng Department of Agriculture (DA) ngayong araw ang pilot test ng pagbebenta ng P20 per kilo na bigas sa Cebu.
Sa news release, sinabi ng DA na nilagdaan ang memorandum of agreement ng Food Terminal Inc. at Provincial Government ng Cebu ang subsidy sharing para ipatupad ang pilot test ng mas mura na rice initiative sa probinsiya.
Ayon sa DA, ang buong pilot test na magtatagal hanggang Disyembre, ay sasakupin ang ibang rehion sa Visayas at inaasahan na makikinabang dito ang 800,000 households o four million na katao.
Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na ngayong araw na ito, Labor Day ay tinupad nila ang naging pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. tatlong taon na ang nakakalipas na ibababa ang presyo ng bigas sa P20 per kilo.
Ayon sa DA, sinimulan na rin ng local governments sa Cebu na kumuha ng stocks sa mga bodega ng National Food Authority sa Cebu City.