Maghanda para sa napakalaking pagtaas sa presyo ng diesel sa susunod na linggo, kung saan posibleng umabot ito ng P20 per liter, dahil sa nananatiling banta sa global supply ang giyera sa Iran.

Ayon sa industry source, batay sa resulta ng apat na araw na trading ngayong linggo, asahan ang malaking oil price increase sa diesel at gasoline.

Inaasahan na tataas ng mababa sa P10 per liter ang gasolina.

Kaugnay nito, sinabi ng Department of Energy na bukas ang local fuel retailers na magpatupad ng unti-unting pagtaas sa susunod na linggo.

Pinayuhan ni Rino Abad, director ng DOE-Oil Industry Management Bureau ang publiko na huwag mag-panic dahil wala pa namang kakulangan sa supply ng langis sa bansa.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa kanya, may kasalukuyang inventory na sapat sa loob ng halos dalawang buwan ang fuel retailers sa bansa.

Nagbabala naman si Energy Secretary Sharon Garin laban sa magsasagawa ng hoarding ng langis.

Ayon sa kanya kung may magtatago ng langis, baka aabuti na lang ng isang buwan ang inventory ng local fuel retailers sa bansa.