Inihayag ng Malacañang na pinag-aaralan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang panukala na P200 across-the-board minimum wage increase.

Tugon ito ni Palace Press Officer Claire Castro sa panawagan ng Trade Union Congress of the Philippines kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sertipikahan bilang urgent ang panukalang batas para sa wage hike.

Ipinaliwanag ni Castro na ang direktiba ni Marcos ay sundin kung ano ang nasa labor code.

Inatasan din umano niya ang RTWPB na pag-aralan ang mga sahod ng mga manggagawa sa bawat rehion.

Sinabi niya na sa ngayon ay pinag-aaralan na ang sahod sa 16 regions at mayroong ibang rehion na nagtaas na ng sahod.

-- ADVERTISEMENT --

Sa kanilang apela, iginiit ng TUCP kay Marcos na pagtuunan ng pansin ang P200 legislated wage hike.