Naghain ni Senator Loren Legarda ng isang panukalang batas na layong pataasin ang minimum na sahod sa pribadong sektor.

Sa Senate Bill No. 1856 ni Legarda, pinadadagdagan ng P200 ang minimum wage kada araw para sa mga empleyado at manggagawa.

Ipatutupad ito para sa lahat ng manggagawa anuman ang employment status — regular, contractual, o sub-contractual, at nasa agricultural o non-agricultural sectors.

Naniniwala si Legarda na ang pagpapataas ng sahod ng mga manggagawa ay inaasahang magdudulot ng pagsigla ng economic activity dahil tiyak namang magagamit ang umento sa pagbili ng mga pangunahing produkto at serbisyo.

Katwiran ng senadora, sa kasalukuyan ay kapos ang minimum wage upang matustusan ng mga manggagawa ang pangangailangan ng kanilang pamilya.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, nasa P411 hanggang P695 ang minimum wage para sa non-agricultural workers at P366 hanggang P658 naman para sa agricultural workers.