Huli ang tatlong indibidual na nag-iingat ng P204 million na halaga ng shabu sa isang hotel sa Bulacan.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang kabuuang 30 kilos ng shabu ay nakalagay sa vacuum-sealed na mga plastic bag.

Ang mga nahuling suspek ay dalawang lalaki at isang babae kabilang ang 21-anyos na estudyanteng lalaki.

Nakuha ang 28 kilo na karagdagang shabu sa isinagawang paghalughog sa hotel.

Sinabi ni PDEA Director General Isagani Nerez, ang operasyon ay mula sa kanilang mga naunang mga operasyon laban sa illegal drugs.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa kanya, pinagdugtong-dugtong nila ang mga impormasyon at mga ebidensiya mula sa kanilang mga naunang mga operasyon na nagresulta sa pagkakahuli sa tatlong suspek na nagkataon na sila ay top-level shabu traffickers.