Umaabot na sa humigit kumulang P207m ang naging pinsala sa agrikultura dahil sa nararanasang tagtuyot o El Niño phenomenon sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.

Ayon sa ulat ng Provincial Agriculture Office,Nueva Viscaya apektado ang bayan ng Kasibu na may halos 18 m na pagkalugi at halos isanlibong magsasaka ang apektado nito.

Kaugnay nito, nasa 5, 000 na magsasaka sa buong probinsya ang apektado ng tagtuyot na sumasakop sa 4,822 ektarya ng taniman ng palay, mais, at high-value crops.

Samantala, naitala naman ang pagkalugi sa corn production na umabot P100m kung saan 2, 000 ang apektado at ang bayan ng Diadi ang may mataas na pagkalugi o halos P48m.

Hindi rin nakaligtas sa pinsala ang high-value crops matapos maitala ang P3.2m damage lalo na sa Dupax del Norte.

-- ADVERTISEMENT --

Dahil dito , nagsimula nang gumawa ng diskarte ang pamahalaan kabilang ang pamamahagi ng mga vegetable seedlings at tilapia fingerlings sa mga apektadong magsasaka at pagpapahiram ng mga water pump sa mga lugar na may accessible na irigasyon upang makatulong sa pagbawi ng mga nakatayong pananim.

Kabilang rin sa mga naapektuhan ng tagtuyot ang mga bayan ng Dupax del Norte, Quezon, Aritao, Bambang, Dupax del Sur, Sta. Fe, Alfonso Castaneda, Ambaguio, Bayombong, Diadi, Bagabag, Solano, Villaverde, at Kayapa.