Tuguegarao City- Tinatayang aabot sa P210k ang halaga ng mga marijuanang sinira ng mga otoridad sa bahagi ng Brgy. Laccnug, Tabuk City, Kalinga.
Sa panayam kay PCOL Davy Vicnte Limmong, Provincial Director ng Kalingga PPO, nadiskubre ng mga nagpapatrolyang pulis ang nasa humigit kumulang 300Sq. Meter na taniman ng Marijuana sa nasabing lugar na malapit na rin sa boundary ng isang barangay sa Quezon, Isabela.
Aniya, maaring sinadyang itanim sa gilid ng mga creek ang mga nasirang marijuana dahil may mga gulay pang nakatanim sa mga paligid ng mga ito.
Mayroon din aniya silang mga nakitang temporary na mga kubo ngunit walang nadatnang tao.
Kaugnay nito ay binunot at sinunog umano ng mga otoridad ang mga nakitang marijuana.
Maalalang ito na ang ikalawang beses na operasyon ng mga otoridad kung saan nitong unang linggo lamang ng Mayo ay muling nakadiskubre ng marijuana plantation ang mga otoridad at aabot sa mahigit P3M ang sinira.
Sa ngayon ay patuloy aniya na nagpapatrol ang hanay ng pulisya sa kanilang area of responsibility upang matiyak na walang makakagawa ng iligal na gawain sa kanilang lalawigan.