TUGUEGARAO CITY-Inaprubahan na konseho ng Tuguegarao ang supplemental budget no.5 ng Local Government Unit (LGU)-Tuguegarao para ngayong taon.

Sa naging regular session ng konseho kaninang umaga, inaprubahan ang supplemental budget na nagkakahalaga ng P21,100,000 na gagamitin sa mga priority projects, plans and activities may kaugnayan sa paglaban sa covid-19.

Bago nito, masusing pinag-aralan ng committee on appropriation ang supplemental budget bago isinalang sa plenaryo at inaprubahan.

Sumang-ayon naman ang lahat ng mga miembro ng konseho na dumalo sa regular session para sa pag-apruba sa naturang pondo.