Hindi pa makakalipat sa bagong gusali ang mga senador at maging ang mga empleyado sa kanilang bagong gusali.

Ito ang sinabi ni Senate President Francis Escudero sa mga empleyado.

Ayon sa kanya, hindi totoo na makakalipat na sila sa bagong gusali sa Setyembre.

Sinabi pa niya na posibleng hindi pa sila makakalipat hanggang sa susunod na taon dahil marami pang bagay umano ang kailangang ihanda, at marami bagay din ang kanilang nakita na kailangan pang suriin at pag-aralan.

Idinagdag pa ni Escudero na nagulat siya nang malaman na umabot sa P23 billion ang kailangan na pondo para makumpleto ang bagong gusali.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi niya na sa kanyang pananaw, hindi ito maganda sa panlasa ng karamihan lalo na sa masa sa gitna ng krisis sa ating ekonomiya.

Gayonman, nilinaw ni Escudero na wala namang iregularidad o hindi kwestionable sa bagong gusali, subalit nakakagulat lang ang napakalaking halaga na gagastusin para sa isang government building.