Inaasahang marami ang mabebenipisyuhan sa ibinibentang murang bigas na P29 kada kilo sa mga Kadiwa stores.

Ayon kay Department of Agriculture Assistant Sec. Arnel De Mesa, ang mga targeted beneficiary ng subsidized rice sale ay karamihan mga mahihirap, senior citizen, person with disability, mga benepisyaryo ng 4Ps at solo parents.

Sa ngayong, ayon sa DA official isinasapinal na ang mga mechanics para sa pagbebenta ng bigas at distribusyon nito.

Dito, pinag-aaralan ang bilang ng kilos kad ng bigas na ipapamigay kada buwan.

Sa kasalukuyan, nagsasagawa ng trial sale ng P29 kada kilo ng bigas sa piling kadiwa sites kung saan prayoridad ang 4Ps beneficiaries, solo parents, PWDs at senior citizens na pinapayagang makabili ng 3 kg kada mamimili.

-- ADVERTISEMENT --

Nakatakda namang opisyal na simulan ang pagrolyo ng subsidized pricing scheme sa Agosto sa pamamagitan ng kontrata ng National Irrigation Administrations sa mga kooperatiba ng magsasaka.