
Nagsasagawa na ng assessment ang National Irrigation Administration o NIA Region 2 sa mga lugar na may potential na mapagtayuan ng Solar Power Pump Irrigation Project sa Lambak Cagayan.
Sinabi ni Reymundo Apil, regional manager ng NIA Region 2 na gagamitin nila sa nasabing proyekto ang P2B na inilaang pondo ng pamahalaan.
Ayon kay Apil, layunin nito na mapatubigan ang mga sakahan na hindi kayang maabot ng surface water at lalo pang mapataas ang produksion ng bigas sa rehion.
Sinabi niya na ang target bilang mapatubigan sa pamamagitan ng nasabing proyekto ay 2, 000 hectares
Kaugnay nito, sinabi ni Apil na nagsasagawa na rin sila ng feasible study sa mga lugar na irrigable.
Sinabi niya na batay sa kanilang inventory may natitira pang 126 hectares ang posibleng mapatubigan at ang pinakamalaki ay sa Isabela na 90 hectares.
Layunin nito na matamnan ang mga ito para makamit ang inaasam na sapat na pagkain sa rehion at sa buong bansa.
Samantala, sinabi ni Apil na tanging ang bayan ng Delfin Albano, Isabela ang matinding naaapektohan ang kanilang mga pananim na palay na umabot sa 92 hectares.
Gayonman, sinabi niya na maliit lamang ito sa nasa 100, 000 hectares na sakahan na sakop ng NIA Region 2 kung saan 91 percent na sa mga ito ay nakapag-ani na.




