Tuguegarao City- Umabot sa P3.2M ang halaga ng mga marijuana ang sinunog at binunot ng mga otoridad sa Brgy. Laccong, Tinglayan Kalinga.
Sinabi ni PCOL Davy Li mmong Director ng PNP Kalinga, na dalawang araw isinagawa ang pagsira sa mga marijuana sa lugar at natapos lamang ito kahapon Agosto 6.
Ayon sa kanya, nasa 1,600Sqm ang kabuuang sukat ng tatlong magkakahiwalay na plantasyon na nakita sa lugar habang nasa 16,000 fully grown marijuana ang sinira ng mga otoridad.
Giit pa ni Limmong na bagamat walang nahuling mga cultivator ay mayroon umanong patunay na inaalagaan ang mga nasabing marijuan.
Samantala, mahigit P300k ang halaga marijuana oil, seedlings at shabu pa ang nakumpiska sa magkasunod na operasyon ng PNP Kalinga.
Una rito ay isilbi ng mga otoridad ang search warrant laban sa mag-asawang sina Merlyn at Kenneth Cardenas mga residente ng Lacnog, Kalinga.
Nakuha sa kanilang bahay ang half galon ng Marijuana oil kasama 15 piraso pa nito na nakalagay sa bote, 12 Marijuana seedlings at 5 sachet ng shabu.
Kasunod nito ay nakuha rin ng mga otoridad ang isa pang marijuana oil at seedlings mula naman kay Rufuna Gimba na residente rin sa nabanggit na lugar.
Sinabi ni PCOL Davey Limmong ng Kalingga PNP na nasa target list nila si Gimba habang newly identified naman ang mag-asawang Cardenas.
Sa ngayon ay nahaharap na ang tatlong indibidwal sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerus Drugs Act of 2002.