Tuguegarao City- Umabot sa P3.2M na fully grown marijuana ang muling sinira ng mga otoridad sa bahagi ng Tinglayan, Kalinga.
Sinabi ni PCOL Davy Vicente Limmong, Director ng Kalinga PNP, binunot at sinira ng kanilang hanay ang nasa humigit kumulang 16K na marijuana plant mula sa 2k square meter na taniman nito.
Aniya ay malapit lamang ang plantation site sa mga kabahayan kaya’t hindi nahirapan ang mga otoridad na natunton ang lugar.
Dahil na rin aniya sa pakikipagtulungan ng mga residente at barangay officials ay unti-unting nahahanap ang mga plantation site sa Kalinga.
Tiniyak ni Limmong na magiging regular na ang ikakasang marijuana eradication ng PNP Kalinga hanggang sa mahuli ang mga cultivators na dapat mapanagot sa batas.
Nabatid pa na ito na ang ika-15 operasyon ng PNP Kalinga laban sa paglaganap ng iligal na droga sa kanilang lugar.