
Inihayag ng Department of Energy na magkakaroon lamang ng limited impact sa supply ng langis sa mundo ang kasalukuyang kaguluhan sa Middle East.
Sinabi ni Oil Management Bureau Director Rino Abad na wala namang reports ng nasirang oil production facilities sa Iran sa kabila ng mga pag-atake ng Estados Unidos at Israel.
Ipinaliwanag ni Abad na ang mga pag-atake sa Iran ay limitado lamang sa military at nuclear-related infrastructure at hindi umano apektado ang oil export capacity ng Middle East.
Gayunman, ipinunto ni Abad na ang takot ng mga shipping operator ang nagpapabagal sa oil deliveries.
Dahil sa pagkaantala ng shipment, inaasahan ang pagtaas ng presyo ng langis.
Tinataya ng DOE ang pagtaas na 5 hanggang 10 US dollars per barrel sa presyo ng langis, katumbas ng 30 centavos per liter sa bawat isang dulyar na pagtaas.
Kung magpapatuloy ang pagtaas ng presyo, mararamdaman ng consumers ang impact nito sa susunod na dalawa hanggang tatlong linggo, kung saan posibleng hanggang P3 per liter ang kabuuang pagtaas sa presyo ng langis sa bansa.
Sa kabila ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis, naniniwala ang DOE na ito magreresulta sa krisis sa supply sa mundo.










