Umabot sa mahigit 2K piraso ng iligal na paputok na nagkakahalaga ng P31K ang sinira ng pulisya sa lambak ng Cagayan.
Ayon kay Police Major Sharon Malillin, tagapagsalita ng Police Regional Office 2 na ang naturang mga iligal na paputok ay nakumpiska at isinuko na kinabibilangan ng Pla-pla, super lolo, thunder, five star, boga at iba pa.
Ang lalawigan ng Cagayan ang naitalang may pinakamataas na bilang sa confiscated at surrendered na illegal firecrackers.
Nagsimula ang inspection noong December 16 kung saan nabanggit din anya, na maaaring mapatawan ng pagkakakulong ang sinomang mahuli na nagbebenta ng illegal na paputok, ng mahigit 6 na buwan hanggang isang taon at pagkansela sa kanilang business permit.
Maari ring makulong ang mga mga nagtitinda ng legal na paputok na hindi sinunod ang designated area na ibinigay ng kapulisan.