Tuguegarao City- Umabot na sa P32B ang pagkalugi ng swine industry sa bansa mula sa 1st hanggang 3rd wave ng African Swine Fever (ASF) na tumama sa mga alagang baboy.

Sa panayam kay Dr. Ronnie Domingo, National Director ng Bureau of Animal Industry (BAI), 31 probinsya na sa buong bansa ang napasok ng ASF kung saan umabot sa 344,000 na mga baboy na ang isinailalim sa culling operation.

Aniya, 20% na impact ng ibinaba nito sa industriya ng babuyan kung saan labis na naapektuhan dito ang bahagi ng luzon partikular sa Region 3 at 4.

Inihayag nito na nanatili namang ASF Free ang Visayas at Mindanao, maliban lamang sa bahagi ng Davao Occidental.

tinig ni Dr. Domingo

Sinabi pa ni Dr. Dominggo na malaki ang naitulong ng mahigpit na COVID 19 checkpoints nang pairalin ang Luzon wide Enhanced Community Quarantine subalit nang linuwagan ito ay unti-unti nanamang tumaas ang kaso ng ASF sa bansa.

-- ADVERTISEMENT --
tinig ni Dr. Domingo