Mahigit tatlong daang libong pisong halaga ng mga nakumpiskang ibat-ibang uncertified products ang sinira ng Department of Trade and Industry, PNP at pamahalaang local ng Lungsod ng Tuguegarao.
Kabilang sa mga sinirang produkto ang mga appliances, electrical items, construction materials, at iba pang consumer products na walang kaukulang ICC (Import Commodity Clearance) mark o PS (Philippine Standard) mark.
Ayon kay Sofia Narag, regional director ng DTI-RO2, nasa kabuuang P385K ang halaga ng mga sinirang produkto na bahagi ng kanilang kampanya upang masiguro ang kaligtasan ng mga mamimili sa rehiyon at tiyaking ang mga produktong nasa merkado ay sumusunod sa itinakdang pamantayan ng kalidad.
Aniya ang pakikipagtulungan nila sa PNP at iba pang ahensya ay nagpapakita ng kanilang pagtutok sa pagpapatupad ng mga batas na nagpoprotekta sa kapakanan ng publiko.