Labis ang psasalamat at tuwa ng isang lalaki matapos na maibalik sa kanya ang kanyang bag na naglalaman ng P390, 000 na naiwan niya sa isang kainan sa Barangay Lalauanan, Tumauini, Isabela.

Sinabi ni PMAJ Major Charles Cariño, hepe ng PNP Tumauini, batay sa salaysay ng namamahala ng kainan na si Jennifer Diaz ay nakita niya ang pulang bag sa isang upuan habang sila ay naglilinis pagkatapos na mag-alisan ang kanilang mga customer.

Nang buksan nila ang bag ay nakita nila ang naka-bundle na tig-P1, 000 na P390, 000.

Agad na ipinost ni Ginang Diaz ang bag sa social media at ipinaalam din ito sa himpilan ng pulisya.

Sinabi ni Cariño na pinuntahan nila ang kainan at dito nakita ang sa isang pitaka ang ID ng may-ari ng bag na si Jeffrey Harada, isang helper ng tracking at residente ng Pamplona, Cagayan.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon kay Cariño, naibalik ang bag kay Harada at sinabi niya na hindi sa kanya ang pera sa halip ay sa kanyang employer.

Ayon kay Harada, pinagbentahan nila ng mais sa Cauayan City ang nasabing pera.