Bibigyan ng P3 milyon ng House of Representatives si Carlos Yulo para sa pagkapanalo nito ng gintong medalya sa 2024 Paris Olympics.
Ayon kay Representative Elizaldy Co, chairman ng House Committee on Appropriations, ang dedikasyon at pagsusumikap ni Yulo ay nagdala ng napakalaking pagmamalaki sa ating bansa.
Si Yulo, 24-anyos, ang naging kauna-unahang Filipino gymnast na umabot sa podium sa anumang edisyon ng Summer Games, na nasungkit ang gintong medalya sa men’s floor exercise sa 2024 Paris Olympics noong Sabado sa Bercy Arena.
Siya rin ang naging unang medalist sa kampanya ng Pilipinas sa Paris, at ang pangalawang gold medalist mula sa bansa kasunod ng weightlifter na si Hidilyn Diaz na nanalo ng gintong medalya para sa weightlifting sa 2020 Tokyo Olympics.
Si Yulo ay magkakaroon ng panibagong shot sa Olympic medal ngayong Linggo kapag sumabak siya sa vault finals.
Siya rin ay makakatanggap ng cash incentive na P10 milyon ayon sa mandato ng Republic Act 10699 na nilagdaan noong 2015.
Tatanggap din siya ng Olympic Gold Medal of Valor mula sa Philippine Sports Commission.
Nangako rin ang Philippine Olympic Committee na bibigyan ng house and lot ang mga gold medalists, tulad ng ginawa nila sa apat na medalists noong Tokyo Olympics tatlong taon na ang nakararaan.
Ayon sa mga ulat, nangako rin ang isang property development company na magbibigay ng condominium unit sa sinumang mananalo ng gintong medalya