Nasabat ng mga otoridad ang marijuana na nagkakahalaga ng P4.3m mula sa tatlong kalalakihan sa checkpoint sa Sitio Dinakan, Barangay Dangoy, Lubuagan, Kalinga.

Ang tatlong mga suspek na nasa edad 28 hanggang 32 ay lulan ng isang SUV na pawang mga residente ng Paso de Blas, Valenzuela City.

Nabatid na hinarang ng mga pulis ang mga suspek ngunit mas binilisan pa ng driver ang pagmamaneho dahilan para mabangga ang signage ng checkpoint.

Sa paghahalughog ng pulisya sa sasakyan, nakita ng mga ito ang 35 dried marijuana bricks at isang tubular marijuana.

Tumitimbang ng 36 kilos ang nakuhang illegal na droga at may standard drug price na P4,320,000.

-- ADVERTISEMENT --