Pitong kalalakihan mula Pampanga at Bulacan na sakay ng isang Van ang naharang ng kapulisan at iba pang law enforcement agencies dahil sa tangkang pagpuslit ng aabot sa P4.6 milyon na halaga ng marijuana bricks sa lalawigan ng Kalinga.

Ayon kay PCAPT Ruff manganip, tagapagsalita ng Kalinga-PNP na ang mga suspek ay edad 21-anyos hanggang 33-anyos ay isa buwang nang minamanmanan dahil pabalik-balik ang mga ito sa Tinglayan, Kalinga bilang turista.

Nakatanggap naman ng impormasyon ang mga otoridad sa muling pagbisita ng mga suspek kung kaya minanmananan na ang mga ito hanggang sa kanilang paguwi kung saan mayroong inilatag na checkpoint sa bahagi ng Tinglayan subalit posibleng nakaamoy ang mga ito kung kaya nag-iba sila ng ruta.

Dahil dito, agad na inilatag ang interdiction operation sa lahat ng boarder control sa lalawigan na nagresulta sa pagkakahuli ng mga suspek sa bahagi ng checkpoint sa Block 3, Tabuk City.

Nakita sa sasakyan ng mga suspek ang 38 bricks ng marijuana na nagkakahalaga ng P4.5 milyon.

-- ADVERTISEMENT --

Nakuha rin sa loob ng sasakyan ang dalawang maliit na bricks ng dried marijuana at ilan pang pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P1.2 milyon.

Patuloy namang iniimbestigahan ng mga otoridad ang pitong nahuling mga suspek na kinasuhan na ngayong araw ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act