Iminungkahi ng isang advocay group ang dagdag na P400 na buwanang health incentive para sa mga buntis para suportahan ang paglaki ng kanilang mga anak mula 0 hanggang dalawang taong gulang.

ito ay bunsod na rin sa lumabas na pag-aaral na isa sa bawat tatlong batang Filipino ang stunted o bansot o hindi angkop ang kanilang laki sa kanilang edad.

Sinabi ni Lyonel Tanganco, co-convener ng Malusog at Matalinong Bata Coalition na ang panukalang halaga ay katumbas ng P13 kada araw na sapat na para makabili ng itlog para sa buntis o para sa kanyang anak.

ito ay bukod sa ibinibigay ng Department of Social Welfare and Development na buwang health grant na P750, rice allowance na P600, at education grant na mula P300 hanggang P700 sa mahihirap na pamilya.