TUGUEGARAO CITY-Nasa P43M ang tinatayang halaga ng mga nasirang sa nasunog na pamilihang bayan ng Sta Ana, Cagayan.
Ayon kay Senior Fire Officer 1 Daryl Garcia ng BFP-Sta Ana,bukod sa mga stalls at mga paninda,kabilang din sa nasunog ang computer shop.
Kasama na rin sa danyos ang ang halaga ng public market na P11M na naipatayo pa noong 1994.
Kaugnay nito,sinabi ni Garcia na humihingi ng tulong ang mga apektadong negosyante sa Local Government Unit(LGU)ng Sta. Ana na bigyan sila ng relokasyon para muling makapagpatayo ng negosyo.
Samantala, sinabi ni Garcia na hanggang sa ngayon ay hindi pa mabatid kung ano ang naging sanhi ng naturang sunog kung kaya’t patuloy parin ang kanilang imbestigasyon.
Matatandaan, gabi ng April 27 , sumiklab ang sunog sa naturang pamilihan kung saan umabot pa sa ikatlong alarma.