Maipapatupad na sa susunod na buwan ang P45 kada kilo ng presyo ng bigas.
Ito ang inanunsyo ni Speaker Martin Romualdez matapos makipag pulong sa rice stakeholders nitong Lunes.
Ayon sa mga trades at retailers ang matitipid mula sa tapyas sa taripa ng imported na bigas ay mararamdaman ng consumers.
Inaasahan din ayon sa House leader na sa pagbaba ng presyuhan sa world market ay makakamit ang mas mababa sa P30 kada kilo na presyo ng bigas