Nakatakdang ibaba pa ng Department of Agriculture (DA) ang maximum suggested retail price (MSRP) ng imported rice bilang tugon sa pagbaba ng presyo ng bigas sa global market.

Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na ibababa sa P45 per kilo mula sa P49 per kilo ang MSRP ng bigas, simula sa March 31.

Ayon kay Tiu Laurel, ang retail price ng imported rice ay bumaba sa P19 per kilo kumpara sa presyo bago ang ipinatupad na MSRP noong January 20 na P58 per kilo.

Ipinaliwanag ng DA na ang pagpapatupad ng MSRP sa imported rice ay isang hakbang na mapababa ang presyo nito sa merkado kasabay ng pagbaba ng presyo sa world market at sa naging desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bawasan ang taripa mula 35% sa 15%.

Ibinebenta ang imported rice sa P64 per kilo bago magtakda ng MSRP ang DA, sa kabila ng unti-unting pagbaba ng presyo nito sa global market, pagbaba ng taripa, at mas malakas na piso kontra sa foreign currencies.

-- ADVERTISEMENT --