Inihayag ng Department of Agriculture (DA) na ibababa pa ang maximum suggested retail price (MSRP) ng imported rice sa susunod na buwan.
Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ang MSRP ng imported rice simula sa Sabado, March 1 ay P49 per kilo.
Gayunman, nilinaw ni Tiu Laurel na ang nasabing MSRP ay hindi ipapatupad sa buong bansa.
Ayon sa kanya, ipapatupad ang nasabing presyo sa piling lugar sa Metro Manila, malalaking lungsod, at iba pang urban centers.
Unang ipinakilala ang MSRP noong January 20, kung saan itinakda ang initial price sa P58 per kilo.
Bago ang pagtatakda ng MSRP, ang importerted rice na 5 percent broken ay ibinebenta sa pagitan ng P62 at P64 per kilo.
Sinabi ni Tiu Laurel na pag-aaralan nila ang numero sa mga susunod na araw kung puwede pang mapababa ang MSRP.