Nag-alok ang Philippine National Police (PNP) ng P5 million na pabuya sa makakapagbigay ng impormasyon na magreresulta sa pag-aresto sa isa sa mga suspek sa pagpatay kay Chineses businessman Anson Que.
Kinilala ni PNP spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo ang suspek na isang Chinese national na si Wenli Long, na kilala rin na si Tan Lim, Bao Wenli, Axin, at Huang Yanling.
Ayon kay Fajardo, ang pabuya ay mula sa isang concerned citizen.
Sinabi ni Fajardo, si Kelly ang nagsabi kay Que na pumunta sa isang apartment sa Bulacan kung saan siya binihag kasama ang kanyang driver at siya rin ang nakipag-usap sa kanyang pamilya para sa ransom.
Kabuuang lima ang sinabi ng PNP na suspek sa pagpatay kay Que at sa kanyang driver, kabilang ang nasa kanilang kustodiya na sina David Tan Liao, Richardo Austria, at Reymart Catequista, at ang mga tinutugis pa ay sina Jonin Lim at Kelly.
Dalawa pang Chinese ang isinasailalim sa interogasyon sa kanilang posibleng kaugnayan kay Kelly.
Sinabi ni Fajardo na P200 million ransom kapalit ng kalayaan ni Que ang inilipat sa pamamagitan ng casino junket operators.
Mahigit limang katao ang tumanggap ng pera bago ito ginawang cryptocurrency, kung saan ang dalawa ay nasa kustodiya na ng mga awtoridad.
Plano ng PNP na panagutin ang casino at junk operators.