Kailangan umano na gumastos ang pamahalaan ng mahigit P50 billion kada taon para maibaba ang presyo ng bigas sa P29 per kilo.
Sinabi ito ni Agriculture Undersecretary Asis Perez sa joint congressional inquiry sa patuloy na pagtaas sa presyo ng mga pagkain, smuggling, price manipulation, at kagutuman.
Sagot din ito ni Perez sa tanong sa kanya ng mga mambabatas kung bakit ang mga poorest of the poor at senior citizens lamang ang puwedeng bumili ng P29 per kilo ng bigas sa Kadiwa stores.
Ayon kay Perez, kailangan ang malaking pondo at limitado ngayon ang kanilang budget para sa murang bigas para sa lahat.
Dahil dito, sinabi niya na kailangan na magkaroon ng mga prayoridad na mabigyan ng murang bigas, dahil sa naka-focus din sila sa vulnerable sector.