Sinimulan na ng Department of Labor and Employment o DOLE Region 2 ang mga konsultasyon sa mga stakeholders para sa posibleng wage increase.

Ayon kay Elpidio Jesus Atal Jr., director ng DOLE Region 2 na isinagawa ang unang konsultasyon kahapon sa Solano, Nueva Vizcaya.

Sinabi niya ang rekomendasyon ng DOLE na dagdag sa umiiral na P450 minimum wage increase sa rehion ay P50, subalit sinabi ng mga employers na hindi pa napapanahon ang wage adjustment.

Hiling naman ng mga kasambahay na dagdagan ng P500 kada buwan ang kanilang kasalukuyang sahod na P5,500.

Ayon kay Atal ang rason ng mga employers ay malaki na rin ang kanilang gastusin para mapanatili ang kanilang negosyo, katatapos lang ng second tranch ng wage increase na P15 noong Abril ngayong taon.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, sinabi ni Atal na mamayang hapon ay isasagawa naman ang konsultasyon sa Quirino, sa August 13 sa Santiago City, August 14 sa Cagayan at zoom consulation naman sa August 15 sa Batanes.

Sinabi niya na pagkatapos ng mga consultations ay sunod naman ang public hearing sa September 3.