Epektibo na sa November 5 ngayong taon ang bagyong wage order sa Region 2, matapos na aprobahan ito ng Regional Tripartite Wages Productivity Board noong October 20.

Sinabi ni Jesus Elpidio Atal, director ng Department of Labor and Employment Region 2, na pantay na P500 na ang sahod sa non- agriculture at agriculture sector batay na inaprobahan ng RTWPB.

Ang kasalukuyang minimum wage sa agriculture sector ay P460 habang sa non-agriculture ay P480, habang sa mga kasambahay ay maggiging P6,500 na ang sahod kada buwan mula sa P6,000.

Ayon kay Atal, inisyatiba ito ng RTWPB at walang naghain ng petisyon para sa dagdag na sahod, at kasunod nito ay nagkaroon din sila ng maraming konsultasyon sa bawat kaukulang sektor sa region 2.

Sinabi ni Atal na ang desisyon na dagdag-sahod ay matapos ang kanilang ginawang pag-aaral sa economic indicators tulad ng inflation at cost of living.

-- ADVERTISEMENT --

Kasabay nito, sinabi ni Atal na nasa 92 percent ang compliance ng mga pribadong kumpanya sa pagbibigay ng tamang pasahod sa kanilang mga manggagawa.