Nag-alok ang mayor ng San Manuel, Isabela ng P50,000 reward mula sa kanyang personal na pondo sa sinomang na makakapagbigay ng impormasyon na magreresulta sa ikadarakip ng pumatay kay Miss Philippines-Earth 2013 runner-up Lullete Jane Ramilo-de Guzman.

Binaril-patay si Ramilo de Guzman sa harap ng kanyang bahay sa Barangay Cabarital noong Pebrero 13 ng gabi.

Nangyari ang pamamaril sa beauty queen ay nasaksihan ng kanyang tatlong anak.

Sinabi ni San Manuel Mayor Faustino “Dondon” DY IV, maaaring lapitan siya o pumunta sa pulisya ang sinoman na magbibigay ng impormasyon ukol sa nasabing krimen.

Nagparating na rin ang mayor ng kanyang pakikidalamhati sa pamilya ng 32 anyos na beauty queen.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi naman ni Police Col. Manuel Bringas, Isabela police director, bumuo na sila ng special investigation task force na magsasagawa ng malalimang imbestigasyon sa krimen.

Subalit hanggang ngayon ay wala pang kongkretong lead ang mga imbestigador sa motibo o pagkakakilanlan ng mga pumatay kay Ramilo de Guzman.