Umabot na sa anim na milyong pisong halaga ng hospital bills ng mga pasyenteng apektado ng magnitude 6.9 na lindol sa Cebu ang sinagot ng Department of Health (DOH) Zero Balance Billing.

Ayon sa DOH, 54 na pasyente na dinala at inadmit sa DOH-Vicente Sotto Memorial Center ang nahandugan ng tulong ng ahensya.

Bukod dito, kasalukuyan namang nasa nabanggit na ospital ang 73 liters ng breastmilk ang iba’t ibang DOH hospitals sa pangunguna ng Jose Fabella Memorial Hospitals sa Maynila mula sa kanilang milk bank para sa mga apektadong sanggol sa Visayas.

Samantala, tuloy-tuloy naman ang pagbibigay ng serbisyong medikal sa ospital at komunidad.

Dagdag pa ng Health Department, sapat pa ang suplay ng gamot para sa mga pasyente at mga residente.

-- ADVERTISEMENT --

Nasa 1,522 na indibidwal naman ang nabigyan ng Mental Health at Psychosocial Support Interventions sa Cebu na bahagi ng emergency response para sa mga taong nakararanas ng stress at trauma na maaaring naging epekto ng lindol.