
Ipinahayag ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro na maaaring makatulong ang pagbabalik ng P60 bilyong sobrang pondo sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa pagpapatupad ng zero-balance billing sa mga ospital ng Department of Health (DOH).
Ayon kay Castro, nakita ng pangulo na mahalaga ang pagbabalik ng pondo lalo na’t layunin ng zero-balance billing matiyak na ang mga pasyente sa DOH hospitals ay hindi na kailangang magbayad ng dagdag na singil.
Ang pagbabalik ng pondo ay bunga ng direktiba ng Pangulo na ibalik sa PhilHealth ang mga naiwang pondo na dating nakalaan para sa National Treasury.
Malugod naman itong tinanggap ng Philhealth at sinabing ito ay makatutulong sa pagpapatuloy ng Universal Health Care program at pagpapabuti ng mga benepisyo at serbisyo ng ahensya.
Ipinaliwanag naman ng PhilHealth nA hindi na kailangan ng mga pasyente sa DOH hospitals ng karagdagang dokumento upang ma-avail ang zero-balance billing.










