Nasa P61 milyon na halaga ng tanim na marijuana ang muling sinunog ng mga otoridad mula sa 16 plantasyon na nadiskubre sa bulubunduking bahagi sa bayan ng Tinglayan, Kalinga.

Ayon kay Atty. Gelacio D Bongngat, regional director ng National Bureau of Investigation RO2, nagsimula noong Marso 10 ang pagbubunot ng marijuana bago ito natapos kahapon sa Barangay Luccong na may total land area na 25,000 square meters.

Kabuuang 236,000 fully grown marijuana plants ang sinira, kasama na ang 87,000 grams ng stalks nito at 5,050 grams ng marijuana seeds na nakuha sa isang kubo sa lugar na nagkakahalaga ng P61.2 milyon base sa dangerous drugs board value.

Ang tatlong araw na operasyon ay tinawag na Oplan Binoryan na binubuo ng NBI RO2, PNP Kalinga, PDEA-CAR at Philippine Army na siyang tumututok para linisin sa droga ang mga apektadong barangay sa Tinglayan.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, nasa maayos nang kondisyon si Pia Suga-ang, NBI-agent na nasugatan pagkatapos nang operasyon na nahulog sa bangin habang pababa sa bundok.

Sa ngayon, iniimbestigahan pa ng mga otoridad kung sino ang mga nagtanim ng marijuana sa nasabing lugar.