

Tinatayang aabot sa P62.1 milyong halaga ng tanim na marijuana ang muling binunot at sinunog ng operatiba sa dalawang araw na eradication operation sa Brgy. Loccong at Brgy. Butbut Proper sa bayan ng Tinglayan, Kalinga.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni PCol. Davy Vicente Limmong, provincial director ng Kalinga Provincial Police Office, pitong marijuana sites ang nadiskubre sa Brgy. Loccong habang walong marijuana sites naman ang nadiskubre sa Brgy. Butbut Proper.
Sinira ang aabot sa 310,600 fully grown marijuana plants na nakatanim sa 32,000 square meters na land area na tinatayang nagkakahalaga ng P62,120,000.
Sa ngayon ay patuloy na inaalam ng mga otoridad kung sino ang mga cultivators o namamahala sa mga nadiskubreng taniman ng marijuana sa naturang lugar.




