TUGUEGARAO CITY-Iniimbestigahan na ng PNP Alcala ang nangyaring pagnanakaw sa isang bahay sa Brngy.Baybayog.

Sinabi ni Police Sr.Master Sgt.Elordr Vital na iniimbestigahan na nila ang kuha ng CCTV na dalawang lalaki na galing sa bahay ni Imelda Briones nang mangyari ang pagnanakaw sa kanyang shoulder bag na naglalaman ng nasa P65,000 noong madaling araw ng July 8,2019.

Ayon kay Vital,ipinakita nila ang CCTV footage sa ilang witness at may binanggit ang mga ito na tugma sa mga posibleng kawatan.

Ito ay sa kabila na malabo ang kuha ng CCTV.

-- ADVERTISEMENT --

Bukod dito,sinabi ni Vital na inaalam na rin nila kung sino ang mga taong nakakaalam na may hawak na pera ang biktima na koleksion niya sa isang pribadong organisasyon.

Sinabi niya na nakakapagtaka kasi na tila alam ng mga kawatan na may hawak na pera ang biktima.

Ayon kay Vital, sa kanilang imbestigasyon,umkyat umano ang mga kawatan sa terrace kung saan ay nasa tapat ng bintana ng silid ng mag-asawang Briones.

Hindi umano naka-lock ang isang panel ng kanilang bintana at dito kinuha ang shoulder bag na nasa tabi ng mag-asawa na natutulog.

Bukod sa pera,tinangay din ng mga kawatan ang isang celphone at kwintas.