
Tiniyak ng House of Representatives na magiging El Niño-ready ang panukalang ₱7.2 trilyong national budget para sa 2027, habang inaasahang lalala ang tagtuyot hanggang unang bahagi ng susunod na taon.
Inirekomenda ng House Budget Amendments Review Subcommittee ang ₱116.32 bilyong dagdag na pondo para sa mga programang tutugon sa epekto ng El Niño.
Kabilang dito ang ₱4 bilyon para sa solar-powered irrigation pumps, ₱500 milyon para sa fertilizer assistance, ₱105 milyon para sa hybrid solar-powered ice plants, at karagdagang ₱10 bilyon para sa tulong sa mga magsasaka at mangingisda.
May iminungkahi ring ₱150 milyon para sa agricultural transport systems gaya ng cable cars o trams para sa paghahatid ng mga high-value crops mula sa mga bulubunduking lugar.
Dagdag pa rito ang ₱4.96 bilyon para sa farm-to-market roads at ₱275 milyon para sa UP Project NOAH.
Sinabi ng House committee on appropriations na target nilang maaprubahan ang budget sa Oktubre 7.




