TUGUEGARAO CITY- Nakuha na ng may-ari ang P80k na nahulog niya sa daan sa Brgy. Alannay, Lasam, Cagayan kaninang madaling araw.

Kaugnay nito, sinabi ni Jean Claude Salva na napulot niya ang pera na may lastiko at nakalagay sa supot ng ice habang sila ay nagba-bike.

Ayon sa kanya, agad niyang dinala ang pera sa PNP Lasam.

Sinabi ni Salva na laking pasasalamat ng may-ari na si Romel Raniola na nagpakilalang isang sundalo nang magkita sila at kinuha ang pera.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa kanya, binigyan siya ng pabuya ng may-ari ng pera bilang pasasalamat.

ang tinig ni Salva

Sinabi pa ni Salva na hindi umano namalayan ng may-ari na nahulog ang pera na nakalagay sa kanyang bulsa habang bumabiyahe siya papuntang Tuao, Cagayan.