pctt: PNP Kalinga

Tuguegarao City- Umabot sa P82M na mga fully grown marijuana ang muling sinira ng mga otoridad mula sa 14 plantation sites sa barangay Luccong at Tulgao East sa Tinglayan, Kalinga.

Sinabi ni PCOL Davy Vicente Limmong, Provincial Director ng Kalinga PNP, na ito ay bunga ng patuloy na pagkasa ng marijuana eradication sa kanilang probinsya.

Aniya ay itinatanim ng mga cultivators ang mga marijuana sa mga mabundok na lugar kung saan ay bibihira ang nakakarating dito.

Nabatid na mula ng umpisahan ng PNP Kalinga ang operasyon noong buwan ng Mayo hanggang ngayong Agosto ay umabot na sa P300-400M ang kabuuang halaga ng mga nasirang marijuana sa Kalinga.

Sa ngayon ay patuloy aniya ang monitoring ng kanilang hanay upang mahuli ang mga nagtatanim ng marijuana at mapanagot sa batas.

-- ADVERTISEMENT --