TUGUEGARAO CITY-Kulong ang apat na kalalakihan matapos na mahuli sa checkpoint sa Gonzaga,Cagayan dahil sa tangkang pagpuslit ng cuttings ng bonsai tree.
Sinabi ni Police Major Elpidio Zingapan,hepe ng PNP Gonzaga,nahuli sa kanilang checkpoint sina Meljohn Tuliao,39,kawani ng National Irrigation Administration sa Pangasinan,Anthony Luces,38,Jonas Tuliao at Edwin Cubero,pawang mga taga-Pangasinan.
Ayon kay Zingapan,nakuha sa dalawang sasakyan ng mga suspek ang 55 na piraso ng bonsai tree cuttings.
Sa kanilang pagtatanong sa mga suspek,galing umano ang mga ito sa isla ng Camiguin at dadalhin sana ang mga nasabing bagay sa Pangasinan
Sinabi ni Zingapan na naihain na nila ang kasong paglabag sa Forestry Reform Code sa mga nasabing suspek kung saan kailangan nilang maglagak ng piyansa na tig-P40,000 para sa kanilang pansamantalang kalayaan.