Umalma ang longtime personal assistant ni Heart Evangelista na si Resty Rosell sa pahayag ng social media influencer na si Mimiyuuuh tungkol sa tinawag nitong “clean-money girl.”

Bagama’t walang pinangalanan si Mimiyuuuh, naniniwala si Resty na patama umano ito sa aktres at kinuwestiyon ang batayan ng naturang termino.

Saad kase ng vlogger, kung sakaling magiging nepo baby siya ay dapat galing sa mga businesses at hindi sa mga politiko.

Sa burado nang komento sa Instagram, hinamon ni Resty ang content creator at sinabing walang basehan ang paggamit ng “clean money” bilang paglalarawan sa isang tao.

Nag-ugat ang isyu sa vlog ni Mimiyuuuh kasama si Esnyr Ranollo, kung saan pinuri nila si Anne Curtis at tinawag itong “clean-money girl.”

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag sina Mimiyuuuh, Esnyr, at Heart kaugnay sa isyu.