Itinaas na sa P10 million ang pabuya sa sinumang makakapagbigay ng mga impormasyon na magreresulta sa pagkakaaresto sa isa sa mga suspek sa pagpatay kay Chinese businessman Anson Que at sa kanyang driver.

Sinabi ni Philippine National Police (PNP) spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo, ang pabuya ay para sa co-mastermind na si Chinese national Wenli Gong, na kilala rin na Kelly Tan Lim, Bao Wenli, Axin, at Huang Yanling.

Ang unang alok na pabuya ay P5 million.

Kabuuang limang suspek ang pinangalanan ng PNP sa pagpatay kay Que at sa kanyang driver, kabilang ang mga nasa kanilang kustodiya na sina David Tan Liao, Richardo Austria, at Reymart Catequista, at ang mga tinutugis na sina Jonin Lin at Kelly.

Sinabi ni Fajardo na sina Liao at Kelly ang umano’y masterminds habang si Austria, Catequista, at Lin ay mga kasabwat.

-- ADVERTISEMENT --

Matatandaan na nakita ang mga labi ni Que at kanyang driver sa gilid ng kalsada na nakalagay sa nylon bag sa Rodriquez, Rizal noong April 9.