Umaasa si Manny Pacquaio na matutupad ang isa kanyang plano na makasama sa listahan ng pinakamatandang world boxing champion.
Ito ay sa kanyang muling pag-akyat sa ring sa July 19 laban kay WBC welterweight champion Mario Barrios.
Kung mananalo si Pacquaio, 46-anyos, sa laban, hindi lang si Barrios ang madadagdag sa kanyang legend; magiging isa rin siya sa pinakamatandang boksingero na mananalo ng world title.
Hawak ni Bernard Hopkins ang record na oldest world boxing champion.
Nakuha niya ang titulo buhat nang masungkit niya ang WBC light heavyweight title matapos na talunin si Jean Pascal noong May 2011 sa edad na 46 taon at 126 araw.
Nagkaroon pa ng mga laban si Hopkins, kung saan sa edad na 48 ay napanatili niya ang kanyang world champion status.
Natapos ang paghahari ni Hopkins sa record nang matalo siya noong November 2014.
Bumalik siya sa edad na 51 subalit nabigo siya sa kamay ng 27-year-old na si Joe Smith Jr. noong December 2016, kung saan ito na ang huling laban sa kanyang karera.
Bago si Hopkins, ang namatay na si George Foreman ang pinakamatanda na makakuha ng major boxing crown.
Ito ay matapos na talunin niya sa 10th round knockout ang 26-year-old Michael Moorer sa edad na 45.
Napanatili niya ang IBF heavyweight belt noong siya ay 46 years at 102 days ng talunin niya via majority decision si Axel Shulz noong April 1995.
Ang huling laban niya ay noong November 1997, kung saan natalo siya kay Shannon Briggs, dalawang buwan bago ang kanyang ika-49 na kaarawan.
Kung matatalo naman ni Pacquiao si Barrios na 16 na taon na mas bata sa kanya, siya ang magiging ikalawang oldest world boxing champion, sunod kay Hopkins.
Ang edad ni Pacquaio sa kanyang laban kay Barrios ay eksaktong 46 taon at 214 araw.
Isasagawa ang laban ng dalawa sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.