Panalo si Manny Pacquaio sa legal rematch laban kay Irish MMA star Conor McGregor.
Una rito, pinagbabayad si Pacquaio ng $5 million sa promoter ni McGregor, ang Paradigm Sports, dahil sa umano’y paglabag sa kontrata para sa kanilang high-profile fight.
Nag-ugat ang legal battle noong 2020, nang lumagda si Pacquaio ng kontrata sa Paradigm Sports na mag-organisa ng boxing match.
Gayonman, hindi nangyari ang laban.
Ang isang rason ay ang pagkatalo ni McGregor kay Dustin Poirier sa kanilang rematch.
Samantala, pumirma si Pacquaio sa Premier Boxing Champions para sa laban kontra kay Errol Spence Jr., na nagbunsod para magsampa ng kaso laban kay Pacquaio ang Paradigm.
Hiniling ng Paradigm na ibalik ni Pacquaio ang ibinayad sa kanya na $3.3 million, kasama ang karagdagan na $1.8 million na danyos.
Sa paglilitis, unang nagpasiya ang California Siperior Court na hindi maganda ang intensiyon ni Pacquaio at inatasan siya na magbayad ng $8 million, kabilang ang mga ginastos sa paglilitis.
Agad naman na dinala ito ni Mcgregor sa social media at sinabi na may utang sa kanya si Pacquaio na 5.1 million.
Gayonman, naghain ng apela si Pacquaio, at binaliktad ni Judge Walter Schwarm ang naunang desisyon.
Idineklara ng judge ang kontrata sa pagitan ni Pacquaio at Paradigm na null and void dahil walang kaukulang representation license ang CEO ng Paradigm na si Audie Attar mula sa California State Sports Commission nang malagdaan ang kasunduan.