Si Mario Barrios ay -280 favorite na matalo niya si Manny Pacquiao, ang +210 underdog, sa kanilang laban sa July 19 sa MGM Grand Las Vegas, Nevada.
Nagbabalik sa ring si Pacquiao sa unang pagkakataon sa loob ng apat na taon para hamunin ang mas batang Barrios para sa WBC welterweight crown.
Kung sakaling manalo si Pacquaio, siya ang magiging ikalawang pinakamatandang major world champion sa kasaysayan ng boxing.
Batay sa odds calculator ng Sportsbook, ang $100 bet kay Barrios ay may balik na kita na $37.71, habang ang $100 bet kay Pacquiao ay magbabayad ng $210 kung mananalo siya sa laban.
Lalaban si Barrios na mas bata, at malayong mas aktibong fighter.
Sa edad na 30, nasa mabuti siyang kundisyon, at may malakas na resume, kabilang ang panalo laban kay Yordenis Ugas noong 2023 at ang defense title ngayong taon.
Si Barrios na may height na 5-foot-10 na may mahabang reach at magkakaroon ng major physical advantages laban kay 5-foot-5½ na si Pacquiao.
Walang laban si Pacquaio buhat noong 2021 at siya ay 46-anyos na.
Nananatili siyang isa sa all time greats sa sports, at may dalang bigat ang kanyang pangalan.
Subalit sa analysis ng mga sport experts, mas maliit siya kumpara kay Barrios at ilang taon siyang hindi lumaban, at makakalaban niya ang isang lehitimong kampeon na si Barrios.
Sa kanilang pagtaya, ang pinakabisang paraan para mahuli si Barrios ay maagang niyang iparamdam ang kanyang signature na bilis at suntok at kanyang left-hand counters.
Kinilala naman ng mga sports analysts na mabilis at maliksi pa rin si Pacquaio at nasa mabuting kundisyon, subalit ang sinasabing kuwestion ay kung makakatagal siya sa laban.
Ayon sa kanila, kailangan ni Pacquaio ang maagang knock-out para masiguru ang kanyang panalo, dahil kung magtatagal ang laban, mas papabor ito kay Barrios.
Hindi umano magpapakampante si Barrios at hindi maghahabol ng knockout, sa halip gagamitin niya ang kanyang jab, ang kanyang range, at paaabutin ang laban sa 12 rounds.