Handang-handa na umano si 8 Division World Champion Manny Pacquiao sa kanyang laban sa Japan sa araw ng Linggo, July 28.
Sinabi ni Myles Briones, Bombo International News Correspondent sa Japan sa kanyang ambush interview kay Pacquaio sa kanyang pagdating sa airport sa Japan kahapon, sinabi ng boksingero na excited na siya sa laban kay Japanese mixed martial artist Rukiya Anpo.
Isasagawa ang three-round exhibition fight sa Saitama Super arena.
Matatandaan na ang makakalaban sana ni Pacquaio ay si Rizin featherweight titleholder Chihiro Suzuki, subalit umatras dahil sa injury sa kanyang huling laban.
Sinabi ni Briones na excited na rin ang mga Filipino at maging ang mga Hapon sa nasabing exhibition fight.
Kasamang dumating ni Pacquaio ang kanyang pamilya.