Hindi pipirma si Sen. Robinhood Padilla sa Senate Blue Ribbon Committee report kaugnay ng flood control scandal.

Ayon kay Padilla, susuportahan niya ang minority report na inihanda ni Sen. Rodante Marcoleta, alinsunod sa desisyon ng Minority Leader Alan Peter Cayetano.

Wala umanong findings laban kina Sens. Francis Escudero at Jinggoy Estrada sa naturang ulat.

Nilinaw din ni Padilla na mananatili siya sa Duterte bloc at hindi lilipat sa majority.

Samantala, sinabi ni Sen. Raffy Tulfo na hindi pa siya pipirma hangga’t hindi niya nababasa at nakokonsulta sa kanyang team ang 400-pahinang draft report.

-- ADVERTISEMENT --