Nagdala ng emergency goods at personnel ang W-3A “Sokol” helicopter ng Philippine Air Force bilang bahagi ng relief efforts ng pamahalaan sa Batanes na sinalanta ng bagyong Julian.
Ito na ang ikalawang deployment ng Sokol helicopter buhat noong October 6, nang magdala ito ng relief packs at inuming tubig sa mga komunidad na naapektohan ng malakas na bagyo nitong nakalipas na linggo.
Lulan din ng helicopter ang personnel mula sa Department of Social Welfare and Development sa Itbayat, Batanes para mamahagi ng humanitarian assistance.
Sinabi ni PAF spokesperson Col. Ma. Consuelo Castillo, ang nasabing misyon ay bahagi ng commitment ng PAF na matulungan ang pamahalaan sa pagtugon sa pangangailangan ng mga apektadong residente at tiyakin na mayroon silang mga pagkain at malinis na inuming tubig.